Posible kayang labanan
Ang agos ng paghamon
Mabuwal at madapa man
Sabay tayong aahon

Posible kayang mabura
Alinlangan sa sarili
Ang tapang sa loob makikita
Taglay mo ang dugong bayani

[Chorus:]
Sulong, laban, 'wag uurong
Pakinggan sa iyong puso
Ang sigaw na dati№y bulong

Sulong, laban, pilipino
Pakinggan sa iyong puso
Ang sigaw na dati№y bulong
Posible

Posible kayang matikman
Tamis ng gintong minimithi
Sa kagat ng bawat laban
Magtatagumpay kang muli

[Chorus]

Posible!
Posible!