Wag mo na sanang,
Ano pa kaya ang dapat gawin ng isang katulad ko
Upang paniwalaan at intindihin mo
Ang mga nais sabihin ng puso ko
Bigyan mo ako ng pagkakataon
Paliwanagan ang iyong isip
Kahit'sandali lang, patutunayan ko lang
Na mahal kita hanggang ngayon
Oh, ang babae, nakakatuwa
Maliit na bagay lamang pinalalaki pa
Ba't ayaw mong limutin ang nakaraan
'Di mo na ako pinapansin, 'di na rin minamasdan
Wag mo na sanang isipin ang mga nangyari sa atin noon
Kahit ano pang sabihin mo maibabalik pa natin ang kahapon
Sana naman hanggang dito na lang
Ang paghihirap kong ito
Dapat pa bang daanin, sa galit o tampuhan
Dadami pang problemang 'di kailangan
Kailan pa ba o 'di na ba
Tayo magkakasunduan
Kahit'sandali lang patutunayan ko lang
Na minamahal mo pa ako
Oh, ang babae, nakakaaliw
Kahit sobra siyang pakipot, siya'y nakakabaliw
Ba't ayaw mong limutin ang nakaraan
'Di mo na ako pinapansin, 'di na rin minamasdan
Wag mo na sanang isipin ang mga nangyari sa atin noon
Kahit ano pang sabihin mo maibabalik pa natin ang kahapon
Wag mo na sanang (wag mo na sanang), wag mo na sanang isipin (wag mo na
Sanang isipin)

'Di mo na ako pinapansin, 'di narin minamasdan
Wag mo na sanang (wag mo na sanang), wag mo na sanang isipin (wag mo na
Sanang isipin)
Wag mo na sanang (wag mo na sanang), wag mo na sanang isipin (wag mo na
Sanang isipin)
Kahit ano pang sabihin mo maibabalik pa natin ang kahapon
Wag mo na sanang (wag mo na sanang), wag mo na sanang isipin (wag mo na
Sanang isipin)
Wag mo na sanang (wag mo na sanang), wag mo na sanang isipin (wag mo na
Sanang isipin)
Wag mo na sanang isipin