'Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
Sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong
Ka ng iyong amang tuwang - tuwa sa'yo
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag, walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y, sinuway mo
'Di mo man lang inisip, na ang kanilang ginagawa'y
Para sa'yo
Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo,
'Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At nag tanong anak: ba't ka nagkaganyan
At ang iyong mga mata'y
Biglang lumuha ng 'di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong, ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong, ika'y nagkamali
Ika'y nagkamali
Ika'y nagkamali
Ika'y nagkamali